DOH namahagi ng gamot sa OrMin oil spill victims

DOH namahagi ng gamot sa OrMin oil spill victims

March 5, 2023 @ 3:55 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpaabot na rin ng tulong sa mga apektadong komunidad ng oil spill sa Oriental Mindoro ang Department of Health (DOH).

Kasunod ito ng personal na pagbisita ngayong araw ni Health Officer-in-Charge Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire, kasama si DOH Undersecretary Nestor F. Santiago, Jr. and MIMAROPA Center for Health Development Regional Director Mario S. Baquilod sa probinsya.

Sa kanyang pagbisita, tinalakay ni Vergeire kasama sina Oriental Mindoro Provincial Government sa pangunguna ni Governor Humerlito Dolor, Pola Municipal Mayor Jennifer Mindanao Cruz, at mga kinatawan mula sa Provincial Health Office ang pinabuting referral ng pasyente, pagpapahusay ng local health facility, at pagpapalaki ng kapasidad sa mga responders ng disaster response.

“Today, medicines, face masks, nebulizers, oxygen concentrators, and other supplies were turned over to the Provincial Government of Oriental Mindoro. ” , ayon sa PCG

Ang mga ito ay naging posible sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga available na stockpile mula sa Jose Reyes Memorial Medical Center, Las Pinas General Hospital at Satellite Trauma Center, Tondo Medical Center, Valenzuela Medical Center, National Children’s Hospital, at National Kidney and Transplant Institute. Naka-standby din ang mga eksperto sa toxicology ng DOH upang suportahan ang aming mga pangunahing tagapagbigay ng pangangalaga sa lugar.

“Ang Kagawaran ng Kalusugan ay handa pong tumulong sa mga pangangailangang medikal sa probinsya ng Oriental Mindoro na naapektuhan ng oil spill. Through close coordination with the provincial government and local government units, we are ensuring that the communities have clean drinking water and those responding to the incident are equipped with proper protective gear to avoid potential risks.” sabi ni OIC Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden