DOH namamahagi ng libreng gamot vs leptospirosis

DOH namamahagi ng libreng gamot vs leptospirosis

September 28, 2022 @ 8:44 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Health (DOH) ang lahat ng lumusong sa tubig baha dulot ng bagyong Karding na kumuha ng libreng gamot para sa leptospirosis infections.

Sinabi ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire na ang gamot ay available sa mga health center.

Noong Lunes, sinabi ni Vergeire na nakipagpulong sila sa lahat ng kanilang mga regional director at inutusan silang mag-assess at mamigay ng mga prophylactic na gamot upang mabawasan ang mga kaso ng leptospirosis sa bansa.

“Tandaan po natin, nakukuha natin ang leptospirosis, most common sa atin bansa, through the urine ng isang daga na maaaring nandoon siya sa basurahan, nagbaha, nakasama siya sa tubig baha. Kung kayo ay lumusong at meron kayong kaunting sugat sa inyong pangangatawan, maaari niyong makuha ang leptospirosis,” sabi ng opisyal.

Ang pinakahuling datos ng DOH ay nagpakita na ang Pilipinas ay nakapagtala ng 1,770 kaso ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang Agosto 27, 2022. Ito ay 36% na mas mataas kaysa sa mga kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Samantala, sinabi ni Vergeire na walang COVID-19 vaccines ang nasira dahil sa Karding, sa kabila ng 21 health facilities na nag-uulat ng partial damage. Jocelyn Tabangcura-Domenden