DOH namigay ng mga ambulansya sa Ilocos

DOH namigay ng mga ambulansya sa Ilocos

February 2, 2023 @ 7:43 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Upang maabot ang serbisyong pangkalusugan sa komunidad ay namahagi ang Department of Health (DOH) -Ilocos Region ng pitong ambulansya sa probinsya ng Ilocos Norte na ipapamahagi naman sa local government units o LGUs.

Sa turnover ceremony sa Governor Roque B. Ablan Sr. Memorial Hospital sa Laoag City, Ilocos Norte, sinabi ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco ang mga ambulansya na ito ay magtataas din sa “functionality” ng local government hospitals.

“Pangalagaan ninyo ang mga ambulansyang ito upang magamit ninyo ng mahabang panahon. Give them proper care and maintenance and also ensure that they are utilized in accordance with the definition and standards provided by the health department.”

Ang mga ambulansya ay fully equipped ng folding stretcher, nebulizer, portable suction machine, defibrillator, portable suction machine, examining light, aneroid sphygmomanometer, scoop stretcher, stethoscopes, non-contact thermometer, blood-glucose meter na may strip, resuscitators para sa bata at nakatatanda; oxygen theraphy set; laryngoscopes set; immobilization devices, delivery set at patient transfer monitor.

Nangako naman si Ilocos Governor Matthew Joseph M. Manotoc, na siyang tumanggap sa mga units, para sa mas maraming benepisyo sa pangangalagang panfgkalusugan para sa health workers at higit pang pagpapahusay ng mga pasilidad sa healthcare facilities. Jocelyn Tabangcura-Domenden