DOH nanawagan ng blood donations

DOH nanawagan ng blood donations

January 28, 2022 @ 6:29 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga maaaring mag-donate ng dugo sa gitna ng kakulangan ng suplay sa blood centers.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring ma-access ng publiko ang listhaan ng blood donation centers sa website na https://tinyurl.com/DONATEBLOODPH.

“Bukod sa makakatulong ang inyong dugo sa pagligtas ng buhay, marami din po benepisyo para sa inyo ang pagdo-donate ng dugo,” ani Vergeire sa Palace briefing.

“Kabilang na diyan po ang pagbaba ng risk of heart attack, pagtulong sa pagpapanatiling malusog ang inyong atay, at nakakatulong din po ma-improve ang inyong cardiovascular health.”

Pasok para makapag-donate ng dugo ang mga nasa edad 16 hanggang 65 na hindi hihigit sa 50 ang timbang.

Sinabi ring hindi dapat sila sumailalim sa mga surgery, bagong tattoo, body piercings, o naturukan ng anti-rabies/anti-tetanus vaccine sa nagdaang taon. RNT/FGDC