DOH nangangalap ng ebidensya sa dengue vaxx

DOH nangangalap ng ebidensya sa dengue vaxx

July 16, 2022 @ 9:30 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Health (DOH) na nangangalap ito ng ebidensya sa iba’t ibang dengue vaccines sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng sakit sa bansa.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ang gobyerno ay laging bukas na gumamit ng bagong teknolohiya.

Aniya 23 bansa ang gumagamit ng bakuna laban sa dengue at kasama sa “emergency medicines list” ng World Health Organization

“What we are doing right now in the department would be gathering evidence, studying it and once we have completed that, we will be convening our experts,”sabi ni Vergeire sa isang panayam sa telebisyon.

“So, we will study this thoroughly para magkaroon naman tayo ng rekomendasyon para sa ating Presidente kung saka-sakali”, dagdag pa ni Vergeire

Samantala, sinabi ni Infectious disease expert Dr. Edsel Salvana na ang anti-dengue vaccine Dengvaxia ay gumagana kung ito ay gagamitin sa tamang paraan.

“Regulatory-wise, I really don’t have any comments there because I’m not a bureaucrat, I am not a regulatory person. But from a science perspective, it’s very clear that if we use Dengvaxia properly and people who have had at least one bout of dengue, it does decrease your risk of severe disease by a lot,” sabi ni Salvana sa hiwalay na panayam sa telebisyon.

Ang Dengvaxia vaccine ay aprubado na gamitin sa US at Europe, anang eksperto.

“From a science standpoint, the vaccine works as long as it is properly used. We also have the tools now where we can actually check for dengue infection or prior dengue infection in someone before they get the vaccine. That will decrease the risk of having severe disease as a result of injecting somebody who has not had dengue”

“We have the tools to make this safer and the science does support the fact that it does decrease the risk of severe dengue, especially in children,” dagdag pa ng eksperto.

Una nang sinabi ni Salvana na dapat maging bukas ang isipan ng publiko tungkol sa iba’t ibang tool na magagamit na makatutulong upang matugunan ang tumataas na bilang ng mga kaso ng dengue. Jocelyn Tabangcura-Domenden)