DOH: Nasapul ng leptospirosis sa Pinas sumampa sa 1,467!

DOH: Nasapul ng leptospirosis sa Pinas sumampa sa 1,467!

September 5, 2022 @ 1:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Iniulat ng Department of Health (DOH) na mayroong 1,467 na kaso ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang Agosto 20 batay sa National Leptospirosis Data.

Sa kabuuan, ito ay 15% na mas mataas kumpara sa iniulat na kaso sa kaparehong panahon noong 2021 na nasa 1,278 lamang.

Sa kabuuan, karamihan sa mga kaso ng leptospirosis ay naiulat mula sa: NCR (279, 19%) Rehiyon II (174, 12%) Rehiyon VI (174, 12%).

Sa kamakailang panahon (Hulyo 24 hanggang Agosto 20, 2022) kung saan 106 na kaso ang naitala, ang parehong mga rehiyon ang may pinakamataas na bilang ng mga kaso, maliban sa Rehiyon VI: NCR: 36 (34%) Rehiyon II: 12 (11%) Rehiyon XI: 10 (9%).

Ang mga rehiyon V, VII, VIII, at XI ay lumagpas sa alert at epidemic threshold sa loob ng nakaraang apat na linggo ng morbidity (Hulyo 24 hanggang Agosto 20, 2022).

Gayunpaman, walang clustering ang nabanggit sa buong bansa. Sa buong bansa, mayroong 205 na pagkamatay na iniulat (Case Fatality Rate=14.0%). Ang mga pagkamatay na ito ay naiulat sa:

January: 14
February: 11
March: 23
April: 32
May: 29
June: 29
July: 53
August: 14. Jocelyn Tabangcura-Domenden