DOH: Obesity rate sa Pinas, tumaas sa pandemya

DOH: Obesity rate sa Pinas, tumaas sa pandemya

November 16, 2022 @ 8:10 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may pagtaas sa obesity rate sa mga bata at adult sa Pilipinas ngayong pandemya.

Ayon kay Health OIC Maria Rosario Vergeire, hindi lamang sa ginagawang survey ng Department of Science and Technology (DOST) -FNRI natuklasan na may pagtaas ng obesity rate sa mga bata at adult kundi ipinakita rin sa ulat ng World Health Organization (WHO) ang nasabing pagtaas sa nagdaang dalawang taon ng pandemya.

Sinabi ni Vergeire na ang dahilan ng pagiging obese sa nagdaang dalawang taon ay dahil ang mga tao ay nalockdown at walang mga pagkakataon para lumabas at mag-exercise.

Nagkaroon din aniya ng mas maraming online food delivery na mas kumbinyente para sa pamilya.

“These are all contributory to this increase of obesity especially this time of the pandemic,” sabi ni Vergeire sa press briefing ng DOH.

Sinabi ng opisyal na ang pagiging overweight ng isang bata o matanda ay nakikita sa mga ‘choices’ ng pagkain.

“Yun pong mga pagkain na ating kinakain ay ito po ang malaking impluwensya kung bakit nagkakaroon ng pagtaas ng obesity obese people sa Pilipinas,” dagdag pa ni Vergeire.

Payo ni Vergeire, kailangan nomomonitor ang intake ng mga bata lalo na sa calories, maaalat na pagkain, matatabang pagkain.

Kailangan ding lahat ay may ehersisyo at physically active. Jocelyn Tabangcura-Domenden