DOH officials kinasuhan ng empleyado sa cancer fund anomaly

DOH officials kinasuhan ng empleyado sa cancer fund anomaly

January 13, 2023 @ 10:39 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagsampa ng reklamo ang isang empleyado ng Department of Health (DOH) laban sa mga matataas na opisyal nito sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y maling pamamahala sa pondo ng ahensya para sa cancer patients.

Sinabi ng isang Dr. Clarito Cairo Jr. na ang mga pondo ng Cancer and Supportive-Palliative Medicines Access Program (CSPMAP) ay sub-allotted lamang sa 19 sa inaasahang 31 access site o ospital, na “lubos na hindi mabuti sa gobyerno at isang grave disservice  sa maraming pasyenteng nakatala sa CSPMAP.”

Pinirmahan ang reklamo noong Dec. 23, 2022 dahil sa grave misconduct, malversation of public funds, at paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 o ang “Anti-Graft and Corrupt Practices Act.”

Si Cairo ay nanindigan na sina DOH officer-in-charge undersecretary Beverly Ho, dating director Anna Melissa Guerrero, directors Razel Nikka Hao at Anthony Cu, at ang mga doktor na sina Kim Patrick Tejano at Jan Aura Laurelle Llevado ay nagsabwatan upang balewalain ang kanyang kadalubhasaan sa pagbili ng mga gamot sa kanser at  “institutional memory.”

Aniya, nagresulta ito sa maling pamamahala sa badget ng CSPMAP  na ₱786 milyon gayundin sa Cancer Assistance Fund (CAF) budget  na ₱529 milyon, na parehong galing sa 2022 General Appropriations Act.

Dagdag niya, “naglalagay sa ito sa panganib ng  buhay ng maraming pasyente ng kanser lalo na ang mga naka-enroll sa CSPMAP mula noong 2021.

Binanggit din nito ang Jose R. Reyes Memorial Medical Center, isang go-to access site para sa mga pasyente ng cancer noong 2021, ay may hindi sapat na badyet na P16 milyon noong nakaraang taon.

Ang  Philippine General Hospital, Rizal Medical Center, at Amang Rodriguez Memorial Medical Center — mga ospital na nagseserbisyo sa maraming cancer patients mula 2011 ay hindi kasa sa listahan ng access sites.

 Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na wala pa itong natatanggap na opisyal na kopya ng reklamo ngunit tiwala  na mananatiling buo ang kanilang integridad.

“All the processes undertaken by the DOH, through the cancer program, were unanimously approved by the National Integrated Cancer Control Council — the highest and only designated policy-making, planning, and coordinating body consisting of key representatives and experts from different national government agencies, cancer specialists, and patient support groups,” ayon sa pahayag.

Sinabi  din ng DOH na ang mga sub-allotted ay batay sa mga dokumentadong kahilingan ng mga ospital, habang ang mga umano’y hindi kasamang ospital ay nabigyan ng mga gamot sa kanser at mga pondo para sa  cancer assistance funds. Jocelyn Tabangcura-Domenden