DOH: Opsyunal na pagsusuot ng face mask oks na kapag vulnerable sector protektado na

DOH: Opsyunal na pagsusuot ng face mask oks na kapag vulnerable sector protektado na

July 12, 2022 @ 5:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ikokonsidera ng pamahalaan na gawing opsiyonal ang outdoor face mask kapag protektado na ang lahat ng vulnerable sectors, ayon sa Department of Health nitong Martes. egfwd.com

Iaanunsyo ang target vaccination rates sa mga susunod na araw, kasunod ng pagpayag ng Office of the President, base kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Para marating natin itong sinasabing pwede nating luwagan ang pagsusuot ng face masks kapag tayo ay nasa labas…pagka tayo ay tumaas na ang ating wall of immunity,” pahayag niya.

“When you say you have protected your population, you have protected the priority population, which is the vulnerable.”

Hanggang nitong Lunes, 71 milyong Pilipino na ang fully vaccinated, ayon kay Vergeire. RNT/SA