DOH: PH gov’t bukas sa mga bagong bakuna kontra COVID-19

DOH: PH gov’t bukas sa mga bagong bakuna kontra COVID-19

July 13, 2022 @ 9:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Bukas ang pamahalaan sa mga posibleng bagong bakuna para sa mga bagong sulpot na variants o subvariants ng COVID-19.

Ito ang pagtitiyak ng Department of Health (DOH) dahil sa mga lumabalas ngayon na “sub-lineage” ng subvariants at nagsanga-sanga na, habang patuloy na nagmu-mutate ang virus, ayon kay Health Undersecretary  Maria Rosario Vergeire.

Aniya may mga bagong teknokohiya nang sinusubukang mag-adapt o maging angkop sa subvariants na lumalabas sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sinabi ni Vergiere na kabilang sa narinig na ng DOH ay ang “bivalent vaccines” ng Moderna na sibusubok at napaulat na para sa mga variant na lumulutang sa ngayon.

Gayunman, mas mainam aniya  na maghintay muna lahat at tingnan kung makukumpleto na ba ang pag-aaral sa mga bagong bakuna.

Sa panig naman ng DOH ay titingnan nila kung ito ba ay magbebenepisyo sa ating populasyon.

Kapag nakita sa ebidensya at napatunayang mas mabuti ang bagong bakuna sa populasyon natin ay maaaring magamit ito, ngunit kailangan talaga ng puspusang pag-aaral ukol dito, ayon kay Vergeire .

Sa huli, iginiit ni Vergeire na hindi dapat mag-aalala ang ating mga kababayan dahil ang mga kasalukuyang bakuna na itinuturok bilang primary series at booster shots ay may “laban” pa rin o epektibo kontra COVID-19.

Sinabi ni Vergeire na ito ay hindi “specific” para sa  Omicron at iba pa, dahil nakapagbibigay ng proteksyon ang mga kasalukuyang bakuna sa ating mga kababayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden