DOH, PhilHealth aprub sa suspensyon ng contribution hike

DOH, PhilHealth aprub sa suspensyon ng contribution hike

January 3, 2023 @ 8:34 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iginagalang ng Department of Health (DOH) at ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang atas ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na suspendihin ang pagtaas ng premium o hulog na kontribusyon at income ceiling ng PhilHealth para sa taong 2023.

Giit ng PhilHealth at DOH, alam nila ang nasabing hakbang ng Pangulo na lubos na makatutulong sa mga Pilipino.

“The suspension [intends] to help our kababayans cope with the increasing prices of commodities caused by inflation. Such moratorium in increases in premium contributions have been done in years 2020 and 2021,” saad sa pinagsamang pahayag ng dalawang ahensya.

Ayon sa DOH, ang mga premium na kontribusyon na kinokolekta ng PhilHealth ay ginagamit para sa layunin ng “pagpopondo sa pagpapalawak ng mga benepisyo” alinsunod sa Universal Health Care Law. RNT