DOH: Pinas handa na sa F2F classes sa Agosto

DOH: Pinas handa na sa F2F classes sa Agosto

June 21, 2022 @ 2:00 PM 4 days ago


MANILA, Philippines- Handa na ang bansa para sa  face-to-face classes sa kabila ng pagtaas ng kaso COVID-19 ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sinabi ito ni Vergeire nang banggitin ang pagtaas ng arawang kaso ng coronavirus disease at positivity rate sa Metro Manila.

“Well, at this point that you ask me, right now, I can say that we are ready. Ma-sustain lang natin na ang mga kaso nga like the ordinary flu — it’s just mild, asymptomatic,” tugon ni Vergeire nang tanungin ng One News’ The Chiefs kung handa na ang bansa para sa  full face-to-face classes sa August.

Sa ngayon, ayon kay Vergeire kung titingnan mo ang mga klasipikasyon ng  mga kaso, karamihan sa mga ito ay banayad at walang sintomas.

Aniya ang mga malala at kritikal ay hindi pa lumalaki bagaman may mga kaso ng malubha at kritikal ngunit hindi gaano.

Hinimok ni Vergeire ang mga magulang at guardians na mapabakunahan ang kanilang mga anak bago magsagawa ng in-person classes upang maprotektahan sila sa coronavirus.

“So, kung ganito lang po ang mangyayari, mama-manage po natin ito. We can prevent infections so that sana ma-encourage din natin ang mga magulang na bago mag-face-to-face ang mga bata, makapagpabakuna po ang mga bata so they are doubly protected,” ani Vergeire.

Ayon kay Vergeire, ang average na pang-araw-araw na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay tumalon sa 255 habang ang positivity rate ay lumaki sa 4.4 porsyento.

Ang pinakahuling datos mula sa DOH ay nagpakita na ang bansa ay nakapagtala ng 529 na bagong impeksyon sa COVID-19, na nagdulot ng mga aktibong kaso sa 4,740. Jocelyn Tabangcura-Domenden