DOH: Posibilidad ng local transmission ng BA.5 subvariant sa Pinas ‘very high’

DOH: Posibilidad ng local transmission ng BA.5 subvariant sa Pinas ‘very high’

June 4, 2022 @ 3:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Sabado na ang paosibilidad na ang omicron BA.5 subvariant ay kumakalat na sa lokalidad ay “very high”, matapos matukoy ang strain nitong linggo.

Ang dalawang pasyente na nasapul ng BA.5 subvariant ay mula sa Central Luzon at walang travel history maliban sa kanilanh polling precinct sa Bulacan at work-related visit sa Metro Manila, base sa ahensya.

Naka-rekober na ang dalawa na kapwa fully vaccinated laban sa COVID-19. Mayroon silang close contacts sa dalawang kasambahay, at isa nga sa mga ito ay nagpositibi na sa virus.

“There are 2 individuals already dito sa komunidad na ito, at atin pong tinitingnan. We are trying to trace kung may iba na mayroong ganito,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa public briefing. 

“Kapag nagkakaroon na kasi tayo ng nadedetekta natin ng ganitong variant sa ating community, the possibility that the transmission of local is very high kasi wala silang outside the country na travel,” aniya pa.

Mas nakahahawa ang BA.5 subvariant kumpara sa BA.2 sublineage, giit niya.

“Mas mabilis siya kumalat ngunit wala naman siyang evidence na nakakapag-cause siya ng more severe disease.” Jocelyn Tabangcura-Domenden