DOH pumalag vs balitang mga empleyado, ‘di bakunado

DOH pumalag vs balitang mga empleyado, ‘di bakunado

January 14, 2022 @ 4:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Pinalagan ng Department of Health (DOH) ang kumakalat na mensahe sa social media na ang mga kawani ng ahensya ay “unvaccinated”.

Sa kasalukuyan, 98 porsyento ng DOH Central Office na ang nabakunahan.

“The  DOH employees are proud to be  role models in the practice of healthy behaviors that we have been advocating to the Filipino public,” ayon sa DOH.

Kabilang dito ang pag-avail ng mga interbensyon na nagliligtas ng buhay na nakabatay sa ebidensya tulad ng mga bakuna.

Nanawagan naman ang DOH sa mamamayan na huwag ipagwalang bahala o antalahin ang pagkuna ng kanilang primary series at booster vaccines. Jocelyn Tabangcura-Domenden