DOH sa COVID booster shots: ‘Di pa sapat ang vaccine supply

DOH sa COVID booster shots: ‘Di pa sapat ang vaccine supply

July 10, 2021 @ 3:32 PM 1 year ago


Manila, Philippines — Iginiit na hindi pa sapat ang suplay ng COVID-19 vaccine para makapagbigay ng booster shots sa fully vaccinated individuals, batay sa ulat.

“Now that our vaccines are still unstable pagdating sa supply, bigyan po natin ng chance na makapag-bakuna tayo sa lahat ng kailangang bakunahan sa ating bansa,” lahad ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 “Kapag naglagay po tayo ng booster shots, this means that we are going to set aside ito pong mga taong ‘di pa nababakunahan mula pa nang nagumpisa tayong mabakunahan.”

Punto pa ni Vergeire, kahit pa ginagawa na ito ng Indonesia at Thailand, marami pa rin ang nagkaka-COVID kahit pa bakunado ng Sinovac.

“Ang booster shots po ay wala pang masyadong sufficient evidence na lumalabas, especially dito po sa mga platforms sa bakuna na meron tayo sa ating bansa katulad ng Sinovac, ng Sputnik V.”

 “Kailangan po natin masiguro na magiging safe ito para sa ating populasyon. Sa ngayon po, ang ating experto ay hindi pa inirerekomenda itong booster shots na ito,” paliwanag ni Vergeire.

 “Wala pa naman pong nakakapaglabas pa ng full evidence to state na hanggang ganito lang katagal tatagal ang immunity na binibigay ng ating bakuna o ‘di kaya if it’s really going to boost the efficacy of these vaccine kapag naglagay ka ng.” RNT/FGDC