DOH sa COVID survivors: Maging maingat, sumunod sa health protocols

DOH sa COVID survivors: Maging maingat, sumunod sa health protocols

September 18, 2021 @ 3:18 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang mga nakarekober na sa coronavirus disease (COVID-19) na maging maingat at sumunod sa health protocols dahil sa maaari silang magka-virus ulit.

“Kailangan matandaan ng ating mga kababayan, lalong-lalo na yung mga nagkasakit kasi baka akala nila hindi na nila ulit makukuha ang sakit,” saad ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Kahit po kayo ay nagkasakit na, maari pa rin po kayong mahawa ulit ng COVID-19. Kaya dapat ipagpapatuloy ang pag-iingat.”

“Kailangan isusuot pa rin ang mask, face shield, manatili pa rin ang physical distance. Kailangan din maya’t-maya namomonitor pa rin natin ang sarili, dagdag pa nito.

Hinikayat din ni Vergeire ang lahat ng COVID-19 survivors na magpabakuna.

“Kung hindi pa rin kayo nakakapagpabakuna, magpabakuna na. Dahil once you are recovered, you are now eligible to get vaccinated already.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •