DOH sa mga mangangaroling: Magsuot ng face mask

DOH sa mga mangangaroling: Magsuot ng face mask

November 12, 2022 @ 11:06 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Makalipas ang dalawang taon, papayagan na ang mga bata na na mangaroling matapos kalusin ang ilang COVID-19 restrictions.

“Wala na tayong ganon ano kasi nga binuksan na natin ang school. Everybody goes to school, so it follows that… we are not limiting any age,” ani Department of Health officer in charge Dr. Ma. Rosario Vergeire

Pinaalalahanan naman ng DOH ang mga magulang na mag-ingat.

“High risk activity ang pagkanta so mas maganda siguro kung ang ating mga anak ay mangangaroling, pagsuotin na lang natin ng mask. Kaunting sakripisyo lang naman po ‘yan,” sabi ni Vergeire.

“Voluntary, hindi pinipilit, pero inirerekomenda ng Department of Health,” dagdag niya. RNT/SA