DOH sa mga ospital: Magsumite ng ER data para sa bagong COVID alert system

DOH sa mga ospital: Magsumite ng ER data para sa bagong COVID alert system

September 18, 2021 @ 3:43 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga ospital na magsumite ng datos sa emergency room admission data nang regular upang makatulong sa pagpapatupad ng bagong COVID-19 alert level system sa Metro Manila.

Ito ang iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire makaraang hikayatin ni Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) ang gobyerno na ayusin ang ‘inadequate’ reporting system.

“Actually nakapagusap na kami with them. May mga kaunting challenges lang po talaga ang national government for us to be able to get the necessary data especially sa mga [emergency room] admission,” saad ni Vergeire sa Laging Handa briefing.

“So kami po ay nananawagan sa mga ospital na sana we can regularly get your data on ER admissions para maisama natin ito sa ating mga tinitingnan.”

“The health professionals po they look at their specific hospitals, we look at the whole country. So pagka ganito ‘yung challenges napakarami po and specifically po yung compliance sa submission ng reports,” dagdag pa ni Vergeire. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •