DOH sa naturukan ng Sinopharm vax: Hintayin ang abiso sa booster

DOH sa naturukan ng Sinopharm vax: Hintayin ang abiso sa booster

January 20, 2022 @ 5:12 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Dapat umanong maghintay ang mga Pilipino na naturukan Sinopharm coronavirus disease (COVID-19) sa abiso ng mga eksperto ukol sa brand ng ituturok sa kanila na booster, ayon sa Department of Health nitong Huwebes.

“The experts have not come out with recommended booster shots because kulang ng data ang nai-submit sa FDA kung ano iyong puwedeng ibakuna,” sabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje.

Aniya sa mga nakatanggap ng Sinopharm shots, “Maghintay-hintay lang muna.” 

“We hope that in a couple of weeks, kasi matagal na, alam ko matagal na silang naghihintay. Kailangan ipinu-push, kasi ang dami na talagang nagtatanong. So we will ask not only our experts here, but also WHO (World Health Organization), kung anong puwede nilang mairekomendang booster ng Sinopharm,” patuloy ni Cabotaje.

Matatandaang binakunahan si Pangulong Rodrigo Duterte ng Sinopharm jab. Gayundin, ito ang brand ng kanyang booster shot, ayon kay acting spokesman Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“That’s under the advice of the doctor kasi, so it’s between him and the doctor,” paliwanag ni Nograles nitong Martes.

“Wala naman pong masamang epektong naidulot, sa pagkakaalam namin,” patuloy pa niya. RNT/SA