DOH sa pagluluwag sa social distancing: ‘That’s the direction’

DOH sa pagluluwag sa social distancing: ‘That’s the direction’

August 13, 2022 @ 12:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Paluluwagin na rin sa Pilipinas ang COVID-19 protocols sa social distancing kagaya ng sa Estados Unidos sa pamamagitan ng Center for Disease Control and Prevention.

“That’s the direction,” tugon ni DOH officer in charge Maria Rosario Vergeire nang tanungin kung gagawin na rin ito sa bansa.

Sa updated guidelines ng US CDC, inirerekomenda lamang nito ang pag-iwas sa matataong lugar o paglayo mula sa iba. Nauna nitong inirekomenda ang six-feet distance sa pagitan ng mga indibidwal.

Sinabi ni Vergeire na sinimulan na ng Department of Health na ilipat ang pokus nito nang ikasa ang modified COVID-19 bulletins, na nauna nang nagbigay-diin sa bilang ng mga kaso.

“We wanted to shift the mindset of our citizens that we are here to live with the virus. Because we know that the virus will stay,” pahayag ni Vergeire.

Ang mahalaga, ayon kay Vergeire, ay ang protektahan ang “most vulnerable”, maayos na health care system, at maiwasan ang posibleng severe at critical cases, at mga pagkamatay.

Inihayag din ni Vergeire na nananatili sa low risk para sa COVID-19 ang bansa sa kabila ng pagtaas ng kaso ng sakit sa buong bansa at pagdami ng admissions sa intensive care units. RNT/SA