DOH sa publiko: Humingi ng bagong VaxCertPH code

DOH sa publiko: Humingi ng bagong VaxCertPH code

February 7, 2022 @ 7:02 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Health na ang lahat ng indibidwal na nakapag-generate na ng kanilang digital COVID-19 vaccine certificates sa  VaxCertPH ay dapat mag-request ng bagong bersyon.

Ito ay dahil sa nakapag-update na ang VaxCertPH ng bagong features.

Sinabi naman ng DOH na maaaring i-regenerate ang code sa vaxcert.doh.gov.ph o magtungo sa lugar na pinagbakunahan.

Kalakip sa VaxCertPH ang personal data ng holder, brand at lot number ng bakuna, lugar, at date kung kailan ito naiturok.

Mayroon ding QR code na gagamitin sa Vaccination Information Management System.

Habang maaari rin itong ‘digital proof of vaccination’ sa mga magtutungo sa ibang bansa. RNT/FGDC