DOH sa publiko: Magsuot ng facemask sa mall

DOH sa publiko: Magsuot ng facemask sa mall

November 5, 2022 @ 9:45 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Umapela ang Department of Health o DOH sa publiko na magkaroon ng kamalayan sa mga panganib kung aalisin ang kanilang facemask sa loob ng malls at sa loob ng iba pang establisyimento.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ang mga malls at iba’t ibang establisyimento ay nagpapatupad na ngayon ng voluntary masking kaya naman nanawagan siya sa publiko na dapat batid ng bawat isa ang level ng panganib at kung kailan pipiliing magtanggal o magsuot ng facemask.

Binigyan-diin ni Vergeire na ang mga indibidwal na may kasamang may comorbidities, unvaccinated, at mga vulnerable sa kanilang tahanan ay dapat magsuot ng facemask indoors upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Piliin din aniya dapat ang pagsusuot ng facemask kapag pupunta sa mga matataong lugar na hindi maayos ang bentilasyon lalo na kapag may kasama ring vulnerable sa loob ng bahay.

Hinimok din ni Vergeire ang mga mall operators na pangalagaan din ang mga vulnerable sector.

Maalala na nag-isyu si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Executive Order No. 7, kung saan opsyonal na sa pagsusuot ng facemask ang publiko o kung hindi man sa indoor settings. Jocelyn Tabangcura-Domenden