DOH sa publiko: Omicron ‘wag maliitin, Delta kumakalat pa rin

DOH sa publiko: Omicron ‘wag maliitin, Delta kumakalat pa rin

January 11, 2022 @ 6:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Hindi umano dapat ipagwalang-bahala ng publiko ang omicron variant bilang isang mild na sakit, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Martes kasabay ng paalalang kumakalat pa rin ang delta variant.

Natuklasan na mild lamang ang omicron variant kumpara sa delta, na tatlong beses na mas mapanganib, ayon kay Dr. Edsel Salvaña, miyembro ng DOH-TAG.

“We’re not calling omicron mild. It is milder than delta, delta is 3 times more likely to land you in the hospital compared with omicron but omicron can still land you in the hospital,” pahayag niya.

“The more transmissible it is, the more that it affects our healthcare system as well and we’re seeing that right now with the affectation of our healthcare workers,” sabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Samantala, ayon pa kay Vergeire, ang epidemic curve ng bansa ay “indicative of the omicron variant”  subalit “delta variant is still circulating.”

“In NCR, ward beds is nearing moderate threshold. ‘Di po ito nakakabahala compared when we were having the delta experience,” aniya pa. RNT/SA