DOH sa publiko: Pagkain, stress level bantayan ngayong kapaskuhan

DOH sa publiko: Pagkain, stress level bantayan ngayong kapaskuhan

December 13, 2022 @ 7:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat ngayong holiday season partikular sa mga pagkain at mga antas ng stress — dahil maaaring magpalala ito ng mga alalahanin sa kalusugan.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang labis na pagkain ay maaring makasama sa kalusugan.

Binigyan-diin ni Vergeire na makikita ang mataas na insidente ng inaatake sa altapresyon, inaatake sa puso, nai-stroke kapag Pasko tuwing December, January at February dahil sa mga ganitong aktibidad.

Dagdag pa ni Vergeire, ang mga pagtitipong kagaya nito ay dapat gawin outdoors upang mapanatili ang posibilidad na mababa ang hawaan at tiyakin na ang lahat ng dumadalo ay walang sintomas.

Sinabi rin ni Vergeire na maraming insidente ng sakit na flu-like symptoms tulad ng ubo, sipon at lagnat dahil na rin sa malamig na panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden