DOH sa publiko: ‘Wag makampante sa ‘plateauing’ COVID cases

DOH sa publiko: ‘Wag makampante sa ‘plateauing’ COVID cases

August 17, 2022 @ 2:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa pagiging kampante habang ang numero ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay nagpa-plateau.

Ang Pilipinas ay nakapagtala ng 2,633 bagong kaso ng COVID-19, ayon sa datos ng DOH na inilabas noong Martes.

“Tingnan pa rin po natin in the coming days kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng mga kaso natin,” ani Vergeire.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng OCTA Research Group na ang mga impeksyon sa COVID-19 sa Metro Manila ay maaaring tumaas na matapos bumaba ang COVID-19 growth rate sa NCR.

Gayunpaman, nagbabala ang kasamahan sa OCTA Research na si Guido David sa posibleng paglaganap ng COVID-19 sa pagbubukas ng mga harapang klase. Jocelyn Tabangcura-Domenden