DOH sa publiko: ‘Wag muna mag-party-party, 2022 ‘wag gawing ‘2020 too’

DOH sa publiko: ‘Wag muna mag-party-party, 2022 ‘wag gawing ‘2020 too’

December 31, 2021 @ 9:51 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Umapela ang Department of Health sa publiko na mag-ingat sa mga gagawing pagsalubong sa taong 2022.

Lahad ng departamento, dumoble na ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID kung kaya’t mas kinakailangan ang ibayong pag-iingat.

Paalala ng DOH, iwasang maki-party sa maraming tao at mas mainam na kasama lamang ang pamilya.

Dagdag pa rito, kung makikipagkita sa kaibigan o katrabaho ay huwag mag-alis ng face mask.

Payo ng kagawaran sa lahat ng Pilipino, bakunado man o hindi, na wag na makiparty sa maraming tao. Mas mainam aniya na pamilya na lang ang kasama o yung tinatawag na family bubble.

Patuloy rin anilang sundin ang pagsunod sa health protocol kabilang na ang social distancing, paghugas ng kamay, at pagsuot ng face mask. RNT/FGDC