DOH sa publiko: ‘Wag munang mag-gathering sa Chinese New Year

DOH sa publiko: ‘Wag munang mag-gathering sa Chinese New Year

January 22, 2022 @ 4:12 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na iwasan ang pagsasagawa ng social gatherings o family reunions sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Pebrero 1 upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng COVID case.

Paalala ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga ganitong aktibidad ay maaaring maging sanhi ng COVID-19 transmission.

“We still remind our citizens na yun pong magkakaroon ng mga gatherings or reunions because of this, sana po ay ipagpaliban muna natin dahil mataas pa rin po ang kaso,” ani Vergeire.

“Kahit po tayo ay bakunado, maari po tayong mahawa at makapanghawa…ipostpone muna po natin para makatulong po tayo na further hindi tumaas ang mga kaso sa ating bansa.”

Tumapat naman sa Pebrero 1 ang araw ng pagdiriwang ng Chinese New Year. RNT/FGDC