DOH sa solons: Naturukan ng booster sa Pinas vs COVID 5M pa lang

DOH sa solons: Naturukan ng booster sa Pinas vs COVID 5M pa lang

January 18, 2022 @ 1:12 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Health sa pagdinig ng Malaking Kapulungan ng Kongreso na nasa limang milyon pa lamang ang bilang ng mga indibidwal na naturukan na ng COVID-19 booster shots.

Sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na hanggang nitong Enero 16 ay nasa kabuuang 4,915,091 katao pa lamang ang nakakapagpaturok ng booster doses kontra COVID-19.

Ang bilang na ito ay bahagi aniya ng mahigit 118 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 na naituturok mula nang gumulong ang vaccination program ng national government noong Marso 2021.

Tinukoy din na nasa 58.8 milyon ang nakatanggap na ng first dose at 55.1 milyon naman ang second dose kasama na rito ang single shot na Janssen vaccine.

Aminado naman si Cabotaje na malaking hamon pa rin sa pagbabakuna ang mha A2 o senior citizen kung saan nasa 70.08 porsyento pa lamang ang nakakatanggap ng first dose at 64.3 porsyento naman ang fully-vaccinated.

Para naman sa pediatric population o mga bata edad 12 hanggang 17, 15.57 porsyento na ang fully vaccinated pediatric na may comorbidity habang 58.44 porsyento naman ang fully vaccinated sa nalalabing populasyon ng mga bata. Meliza MaluntagDOH sa