DOH sa studes: Physical distancing sa classroom ‘di kaya, ibang health measures sundin

DOH sa studes: Physical distancing sa classroom ‘di kaya, ibang health measures sundin

August 13, 2022 @ 10:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga estudyante na panatilihin ang pagsusuot ng face mask, paghugas ng kamay, pagsanitize ng alcohol at itsek ang temperatura sa loob ng paaralan.

Binigyang diin ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na kailangang magkaroon ng commitment para proteksyunan ang sarili at mga anak dahil imposibleng mapanatili ang social distancing sa mga silid aralan.

“Yun pong physical distancing sa loob ng kwarto matagal na pong napagusapan ng DepEd at DOH yan talagang impossible yan ipatupad kaya ang sabi natin kailangan if we cannot implement the physical distancing, the other measures should be in place,” sabi ni Vergeire sa isang panayam sa telebisyon.

Hinimok din ng DOH ang mga magulang at estudyante na magpabakuna laban sa naturang COVID-19.

Sinabi niya na ang mga guro at non-teaching personnel na haharap sa mga bata ay dapat ding mabakunahan.

Ayon sa DOH, dapat magtalaga ang paaralan ng trained at safety officers na titiyak na ang health safety protocol ay masusunod.

Sinabi ng Kagawaran ng Edukasyon na patuloy itong nakikipag-ugnayan sa DOH sa paglalagay ng mga protocol para mapanatiling ligtas ang mga mag-aaral bago ang pagbabalik ng face-to-face classes sa Agosto 22. Jocelyn Tabangcura-Domenden