DOH sa video ng nabaling karayom: Nangyayari ang aksidente

DOH sa video ng nabaling karayom: Nangyayari ang aksidente

January 22, 2022 @ 4:48 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na may mga aksidenteng maaaring mangyari habang isinasagawa ang COVID-19 vaccination.

Kaugnay ito ng kumakalat na video na nagpapakita ng nabaling karayom habang itinuturok sa braso. a

Depensa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang naturang insidente ay hindi intensyunal.

“Yung pong mga nangyayari na mga ganito hindi sinasadya, but these are some things na puwedeng mangyari during the process of vaccination,” paliwanag pa nito.

“Kailangan lang po talaga ipaliwanag ng ating vaccination site what happened and ibigay ulit ’yung dapat na dose sa ating mga kababayan.”

Hindi naman binanggit ng opisyal kung maparurusahan ang nagtuturok sa video. RNT/FGDC