DOH sinita ng COA sa P85M medical supplies na nasayang

DOH sinita ng COA sa P85M medical supplies na nasayang

August 17, 2022 @ 11:34 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinita ng Commission on Audit ang Department of Health sa P85.213 milyong halaga ng mga gamot at iba pang suplay na expired na o mapapaso pa lamang, at mga nasira na dahil sa maling distribusyon at pagpaplano.

“Despite our observations and recommendations in previous years, it was found that various drugs, medicines, and other types of inventories were expired, nearly-expired, over-stocked or slow-moving, and damaged in the DOH warehouses,” ayon sa state auditors sa annual audit report sa DOH para sa 2021.

Iginiit ng COA na ang DOH, sa ilalim ng pamumuno ni Francisco Duque III, ay pumalya na makasunod sa department administrative order na nagpo-provide na ang expiration dates ay hindi dapat bababa sa dalawang taon mula sa petsa ng manufacturer at hindi bababa sa isa’t kalahating taon mula sa date of delivery.

Sinabi pa ng auditing agency na ang “deficient procurement planning, poor distribution, and monitoring systems, and identified weakness in internal controls” ay nagresulta sa “wastage” ng government funds at resources.

“Overall, the said condition [indicates] Management’s inability to safeguard, manage, and utilize health funds and resources economically and effectively,” pahayag ng COA.

Gayundin, nagkasundo ang COA at DOH naipag-utos sa mga pinuno ng centers for health development na tukuyin at suriin ang kanilang consumption patterns para sa mga gamot at mga suplay, maging sa storage room capacity; at i-require sa supply officers na sumunod sa standard operating procedures sa storage at warehousing alinsunod sa departamento.

“We hope also and we request that other government agencies will try to avoid announcing to the public until nakakapag-usap with the concerned government agencies. So as not to give this kind of perception to the people na mayroon na agad na issue, eh hindi pa nakakapagpaliwanag ang DOH,” ani DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing. RNT/SA