DOH: Substitute med workers sa NCR, huhugutin sa probinsya

DOH: Substitute med workers sa NCR, huhugutin sa probinsya

August 3, 2020 @ 4:14 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kukuha ang Department of Health ng substitute health workers sa mga probinsya para sa mga medical worker at frontliners sa Metro Manila.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, magtatalaga sila ng mga agency staff sa mga urban center habang iaanunsyo naman ng ahensya ang programa sa private healthcare professionals sa iba pang parte na gustong tumulong sa National Capital Region.

“Kailangan po nating gumawa ng substitution team para naman makapagpahinga po ang ating mga kapatid na health care workers dito po sa National Capital Region,” ani Vergeire.

Una nang umapela ang mga health care worker sa pamahalaan na bigyan sila ng dalawang linggo para makapagpahinga sa pamamagitan ng pagbabalik ng Metro Manila sa lockdown.

Sa ilalim ng Modeified Enhanced Community Quarantine ang mga health worker ay tutulong sa mga baranggay officers para hanapin ang mga COVID-19 patient.

“Makakaasa po ang mga barangay na mataas ang kaso, na kami po ay kasama ninyo sa pagbabahay-bahay [that] we call ‘active case-finding’ para i-search sino ang may sintomas, kailangan i-isolate o kailangang i-test,” dagdag pa ni Vergeire. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...