DOH target bumili ng Paxlovid; epekto ng Molnupiravir bumababa

DOH target bumili ng Paxlovid; epekto ng Molnupiravir bumababa

December 31, 2021 @ 11:26 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Target ng Department of Health (DOH) na bumili ng COVID-19 antiviral drug Paxlovid para sa Pilipinas, ayon kay Secretary Francisco Duque III.

Sinabi ni Duque ang Paxlovid ay may efficacy rate na 89%.

“Yes. Pinaghahandaan na ‘yan. Meron nang EUA (emergency use authorization) ang FDA (Food and Drug Administration) na ibinibigay para magamit itong antivirals na ito.”

Ito ang kanyang tugon nang tanungin si Duque kung may sapat na suplay na ng  Paxlovid ang Pilipinas.

Inawtorisahan naman na ng US Food and Drug Administration ang Paxlovid bilang ‘first at-home treatment’ sa COVID-19.

Ayon naman kay FDA chief Dr. Eric Domingo, hindi pa nagsusumite ang  Pfizer ang aplikasyon ng EUA para sa Paxlovid.

“Wala pang application [There is no application yet],” ani Domingo sa GMA News Online. RNT/FGDC