DOH tuloy-operasyon kahit walang kalihim

DOH tuloy-operasyon kahit walang kalihim

July 3, 2022 @ 9:08 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patuloy na ipapatupad ang  kasalukuyang pandemic response protocols kahit wala pang naitatalagang kalihim dito, ayon sa Department of Health nang tanungin ng media kung gaano makakaapekto sa COVID response ang kakulangan ng mamumuno sa kagawaran.

 

Ayon sa DOH, lahat ay status quo hanggang may bagong direktiba ang bagong Pangulo ng bansa.

“Everything is status quo until new directives from our new President cones in,” ayon pa sa DOH.

Pangangasiwaan umano ng mga senior DOH officials lahat ng pagtugon sa COVID-19 at non-COVID -19 habang hinihintay  ang anunsyo para sa bagong kalihim ng Kagawaran

“The country’s COVID-19 response actions, along with actions for all other non-COVID health matters continue through senior DOH  officials supervising  specific bureau offices and units. We await and are ready for the announcement of the next Secretary of Health “.dagdag pa ng ahensya. Jocelyn Tabangcura-Domenden