DOH tutugon sa mga direktiba ni PBBM sa SONA

DOH tutugon sa mga direktiba ni PBBM sa SONA

July 26, 2022 @ 3:42 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nangako ang Department of Health (DOH) nitong Martes na tutuparin ang direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr, sa COVID-19 pandemic recovery at pagpapabuti ng healthcare system ng bansa.

Ginawa ng DOH ang pahayag matapos ang kauna-unahang State of the nationa Address (SONA) ng pangulo kahapon , Hulyo 25 kung saan sinabing kailangan ng mas matatag na healthcare system dahil hindi na kakayanin pa ng bansa na magpatupad pa ng panibagong lockdown dahil sa pandemya.

Sinabi rin ng Pangulo na ang patuloy na pagsubaybay sa healthcare system at pagpapalakas sa COVID-19 booster coverage ay mahalaga upang matulongan na maibalik ang mga negosyo ng buong kapasidad matapos na maapektuhan ng pandemya ng mahigit dalawang taon.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na inilipat na nila ngayon ang kanilang pagtuon sa hindi lamang pagprotekta sa kalusugan ng mga tao kundi pati na rin sa ekonomiya.

“It is important that the DOH is agile based on our circumstances. Our focus has fittingly shifted towards saving lives while also protecting livelihoods. We are promoting vaccination on top of our usual health protocols, instead of imposing restrictions,” sabi ni Vergeire bsa isang pahayag.

Nangako rin ang DOH na bumuo ng close coordination at deployment ng mga kinakailangang mapagkukunan upang mapanatiling handa ang mga ssitema ng healthcare system na tumugon sa parehong mga kaso ng COVID at non-COVID.

Palalaksin din ang kanilang booster rollout sa buong bansa “upa“g higit na [palaakasin ang wall of immunity laban sa COVID-19 at pagbutihin ang healthcare literacy upang maitanim ang kumpiyansa sa bakuna sa mga komunidad.

Nagpapasalamat naman si Public Health Services Team OIC-Undersecretary Beverly Lorraine Ho dahil nakita ng Pangulo ang tunay na halaga ng pagbabakuna, lalo na at dapat nating panatilihin ang isang malakas na wall of imunity laban sa COVID-19.

“We must protect ourselves to enjoy this new normal of face-to-face classes and iopen businesses”, ayon kay Ho.

Base sa pinakahuling datos, halos 71.5 milyong Pilipino na ngayon ang fully vaccinated laban sa virus habang mahigit 15.9 milyon naman ang nakatanggap na ng kanilang booster doses. Jocelyn Tabangcura-Domenden