DOH tutugon sa reklamo sa pneumonia jabs procurement – Duque

DOH tutugon sa reklamo sa pneumonia jabs procurement – Duque

January 24, 2022 @ 6:40 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque na tutugon ang kanilang departamento sa reklamo sa Philippine Competition Commission.

Tungkol ito sa  umano’y ‘overcharged billions’ sa kanilang biniling  pneumococcal vaccines.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng Department of Health ang kopya ng reklamo ng consumer group United Filipino Consumers and Commuters.

“Inatasan ko na ang legal service group ng DOH to look into this with a sense of urgency. This was filed with the PCC. We are awaiting a copy of the complaint para masagot siya point by point,” ani Duque.

“We will cooperate. We will give all information needed by PCC.”

Maaalalang noong nakaraang taon, humarap ang DOH sa Senate inquiries tungkol sa isyu na kinasangkutan din ng Pharmally Pharmaceuticals. RNT/FGDC