DOH umaasa sa pagtatapos ng COVID emergency ngayong taon

DOH umaasa sa pagtatapos ng COVID emergency ngayong taon

January 13, 2023 @ 6:16 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Umaasa ang Department of Health (DOH) na ang COVID-19 ay hindi na maging public health emergency ngayong 2023.

Ginawa ng DOH ang pahayag matapos sabihin ng World Health Organization na natapos na ang emergency phase ng pandemic ngayong taon.

Naniniwala si Dr. Alethea De Guzman, direktor ng epidemiology bureau, na ang pandemya ay nananatiling ‘waiting game’.

“We don’t want to be blindsided by the emergence of new variants. I think for me that’s the only unknown that remains here,” sabi ni De Guzman.

“Kasi patuloy siyang nagbabago eh. Every month may bago na namang variant,” ayon pa sa opisyal.

Sa kabila ng matagal na banta ng COVID-19, sinabi ni De Guzman na ang mundo ay hindi na “helpless” laban sa virus.

Aniya, ang mga bansa ay mayroon na ngayong mga pamamaraan upang pamahalaan ang mga malubhang kaso ng COVID-19.

Samantala, nananatili aniyang ‘low risk’ ang health system capacity ng bansa sa kabila ng pagtaas ng COVID at non-COVID hospital admissions. Jocelyn Tabangcura-Domenden