DOH umapela sa Kamara na ibigay ang pondo sa cancer patients

DOH umapela sa Kamara na ibigay ang pondo sa cancer patients

September 12, 2022 @ 4:32 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Umapela ang Department of Health (DOH) sa Kamara na maisama sa 2023 proposed national budget ang P500M budget na para sa mga cancer patients.

Sa budget briefing ng House Committee on Appropriations kung saan sumalang ang DOH sinabi ni Officer-in-Charge Rosario Vergerie na ang pondo para sa cancer patients ay alinsunud sa Republic Act No 11215 o National Integrated Cancer Control Act na naisabatas noong 2019 subalit para sa susunud na taon ay wala itong alokasyon.

Ayon kay Vergerie kanila nang inilapit sa Department of Budget and Management(DBM) ang pagpopondo sa cancer patients subalit wala pang sagot dito ang ahenya kaya naman sa Kamara na sila lumalapit.

“So now we are asking for help from the House of Representatives to bring back the cancer fund”pahayag ni Vergerie.

Sa tanong ni Bagong Henerasyon PArtylist Rep Bernadette Herrera kung ang pondo sa cancer patients ay nagamit noong 2022,sinabi ni Vergerie na hndi ito naipatupad dahil sa magkaibang probisyon sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) subalit kanila na itong naresolba kasama ang DBM kung saan bumuo na sila ng joint memorandum circular para sa implementasyon ng cancer assistance fund.

Sa ilalim ng National Integrated Cancer Control Act ay popondohan ng Kongreso ang programa para sa abot kayang medical treatment para sa cancer patients. Gail Mendoza