DOH-US lumagda ng MOU sa paglikha ng mga programa

DOH-US lumagda ng MOU sa paglikha ng mga programa

December 15, 2022 @ 2:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Lumagda ngayong Huwebes ng Memorandum of Understanding ang Department of Health (DOH) at ang Philippine-American Educational Foundation (PAEF) sa paglikha ng mga research programs at scholarship grants upang mapabuti ang mga kasanayan ng mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan.

Ang DOH at PAEF ay bubuo rin ng joint programs sa public health-related- fields kasama ang Health Systems Management, Environmental and Community Health, Health Policy and Administration Epidemiology and Disease Survellaince at Infectious Disease Control.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang Job Order personnel ay maari ring mag-sign up sa mga programa at scholarship dahil binubuo sila ng 63% ng buong human resource base ng ahensya.

“Universal Health Care is centered around supporting and uplifting people–not just the people who require healthcare services, but also the people who provide those services or those who toil to make those services effective, responsive, and accessible,” sabi ni Vergeire.

Ang mga research program ay gagawin sa ilalim ng capacity-building at research initiatives ng DOH sa ilalim ng Universal Health Care Law. Jocelyn Tabangcura-Domenden