DOH, USAID nagbigay ng healthcare services sa Tondo

DOH, USAID nagbigay ng healthcare services sa Tondo

November 28, 2022 @ 7:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dinala ng Department of Health (DOH) ang primary healthcare service sa Tondo, Manila katuwang ang United States Agency for International Development Missions.

Pinangunahan ito ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire, at USAID Director Ryan Washburn at iba pang opisyal sa aktibidad na tinawag na “Healthy at Happy sa Barangay 20: A walkthrough in slums of Tondo”.

Ang aktibidad ay layon na itaguyod ang kalusugan at kagalingan sa komunidad.

Sakop sa pitong prayoridad na bahagi ng Health Promotion Framework strategy ng DOH, pinangunahan ng DOH at USAID ang pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad sa kalusugan tulad ng impormasyon sa pag-iwas sa tuberculosis, mobile van check up bukod sa iba pa.

“We extend our gratitude to the USAID and the local administration of Tondo, Manila for helping the DOH push forth initiatives that promote health and wellness to families. Truly, with efforts like these, we are on the road to a Healthy Pilipinas where Filipinos are health-literate and health-seeking individuals striving to achieve optimum health,” Saad ni Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden