DOH wala pang impormasyon sa solidarity trial ng nasal vaxx

DOH wala pang impormasyon sa solidarity trial ng nasal vaxx

July 7, 2022 @ 7:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Wala pang impormasyon ang Department of Health (DOH) sa nakatakdang pagsisimula ng solidarity trial ng World Health Organization (WHO) tungkol sa “nasal vaccine”.

Sa online briefing, sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na 2021 pa lamang ay may lumalabas nang ulat na may pag-aaral tungkol dito.

Ayon kay Vergeire, maging ang WHO ay hindi pa nakikipag-ugnayan sa DOH kaugnay sa kanilang interes na makalahok ang Pilipinas sa nasabing trial.

“Sa ngayon wala pang kami impormasyon tungkol dito and even WHO is not coordinating with us with regard to their interest for the Phil’s to take part of this trial,” pahayag ni Vergeire.

Aniya, nakipag-ugnayan na rin sila sa Food and Drug Administration at Department of Science and Technology (DOST) pero wala pa ring natatanggap na impormasyon.

“We also coordinated with the food and drug administration saka dost and apparently wala pan ho tayong natatanggap,” sabi pa ng tagapagsalita ng DOH.

“And if in any case it could also something of benefits for the Pilipino people kung makakasama tayo sa ganitong trials so that we can be able to help in the international improvements in technology para labanan ang COVID 19 but for now wala pa impormasyon tungkol dito” dagdag pa ni Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden