DOH: Wala pang kaso ng monkeypox sa Pinas

DOH: Wala pang kaso ng monkeypox sa Pinas

May 21, 2022 @ 8:22 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang kaso ng monkeypox virus sa Pilipinas.

“In the interest of protecting the general public from both diseases and misinformation, the DOH provides this advisory about the recent cases of monkeypox found in European countries, the United States, Canada, and the United Kingdom. To date, monkeypox has not been detected within the Philippines or at its borders,” abiso ng DOH.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang monkeypox ay isang viral disease na nakukuha sa mga hayop particular sa tropical rainforest areas ng Central at West Africa.

Kabilang sa mga sintomas nito ay lagnat, rashes, swollen lymph nodes na maaaring humantong sa mga komplikasyon.

Naisasalin ang monkeypox sa pamamagitan ng malapit na pakikisalamuha sa isang taong may ganitong sakit o kahit sa pamamagitan ng kontaminadong bagay.

Na-detect na ang sakit sa mga bansang Canada, Italy, Sweden, Spain, Portugal, Europe at North Amerika.

Para mapigilan ang pagkalat, inabisuhan ng DOH ang publiko na sumunod sa minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face mask, physical distancing at pagpapanatili ng good hygiene.

Inatasan na rin ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga medical officer ng Bureau of Quarantine (BOQ) na bantayan ang viral disease.

“Akin nang sinabihan yung quarantine medical officers na bantayan ito… paigtingin na yung mga bansang natukoy — ang Central Africa, Western Africa at Canada kung saan may malaking bilang ay dapat ini-screen nang maiigi,” ani Duque sa isang interbyu. RNT/ JCM