DOH walang naitalang nasawi sa COVID vaccination

DOH walang naitalang nasawi sa COVID vaccination

December 11, 2021 @ 4:17 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Wala pang nasawi dahil sa bakuna laban sa COVID, ayon sa Department of Health (DOH).

“Hanggang sa ngayon, wala pa pong naitatala na base sa evaluation ay nagkaroon ng direct link o talagang nakita doon sa causality assessment na yung mga pagkamatay ay dahil sa bakuna. Wala pa tayong naitatalang ganyan based on the experts’ evaluation,” ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa  public briefing.

Base sa datos ng Food and Drug Administration (FDA) nitong Disyembre 5, may kabuuang 80,644 suspected adverse reaction na ang naitala ng ahensya.

Sa kabuuan, 76,567 ang ikinonsiderang “non-serious” events habang 4,077 ang “serious events.”

Giit ng DOH, lahat ng bakuna ay ligtas at epektibo laban sa COVID vaccines.

“Lahat ng bakuna na meron tayo dito sa ating bansa napatunayan na na it’s safe and effective especially against severe infections and deaths.” RNT/FGDC