DOH: WHO guidelines para sa 2nd booster dose sa eligible groups hinihintay pa

DOH: WHO guidelines para sa 2nd booster dose sa eligible groups hinihintay pa

May 17, 2022 @ 8:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naghihintay pa ang Department of Health ng rekomendasyon mula sa World Health Organization kaugnay ng pagbibigay ng ikalawang booster dose para sa eligible groups.

Nabatid na tanging ang mga immunocompromised individuals pa lamang ang tinuturukan ng fourth dose o second booster shot kontra COVID-19 sa bansa.

“Currently, ang status natin is we are reviewing the evidence. We are waiting also for the WHO guidance because we want to be very consistent with what they have, particularly for seniors and healthcare workers,” saad ni Dr. Anna Ong-Lim, miyembro ng Department of Health-Technical Advisory Group.

“We are hoping that once the WHO recommendations come out, it can inform the HTAC and then we can have the local guidelines revised as soon as possible,” dagdag niya.

Una rito, hinikayat ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang Health Technology Assessment Council, na siyang advisory body ng Department of Health, na i-adopt ang guidelines ng United States Centers for Disease Control and Prevention sa pagro-rollout ng second booster shot.

Sa pamamagitan, maiiwasan ng bansa na ma-expire ang mas maraming bakuna gayundin ang surge ng COVID-19 cases.

Sa ilalim ng criteria ng CDC, maaaring ibigay ang second booster shot sa mga 50 taong gulang pataas o sa mga 12 anyos pataas at moderately o severely immunocompromised.

Tiniyak naman ni DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire na malapit na rin nilang turukan ng booster shote ang mga healthcare workers at senior citizens.

“Ang atin pong nirerekomenda ngayon at meron talaga at suportado ng ebidensiya, would be the provision of the fourth doses to the immunocompromised. Later on, we will also be implementing for our senior citizens and healthcare workers,” anang Vergeire. RNT/ JCM