DOJ budget lusot agad sa committee level ng Kamara

DOJ budget lusot agad sa committee level ng Kamara

September 7, 2022 @ 1:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Bilang kurtosiya kay Justice Secretary Crispin Remulla na dating miyembro ng 19th Congress, agad na pinalusot ng House Committee on Appropriations ang P26.686 billion budget ng Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program (NEP).

Sa budget briefing kahapon ay nagmosyon si Albay Rep Edcel Lagman na susuportahan nya ang mabilis na pag-apruba sa DOJ budget bilang kurtosiya kay Remulla na dating kasamahan sa Kamara, hindi umano ito bago dahil ganito din ang ginawa kay dating Abono Rep. Conrad Estrella na ngayon ay Kalihim na ng Department of Agrarian Reform.

Alinsunod sa naging mosyon ay sinabi ni House Majority Leader Mannix Dalipe na sa panig ng Majority ay sinusuportahan nya ang mosyon ni Lagman na sinegenduhan din ni Minority Leader Nonoy Libanan.

Tanging si Senior Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang syang pinayagan na magtanong kay Remulla sa loob ng 5 minuto at pagkaran nito ay inaprubahan na ng komite ang proposed budget ng DOJ.

Sinabi ni Appropriations panel Senior Vice Chairperson at Marikina City Rep. Stella Quimbo na ang kuwestiyon sa DOJ budget ay maaari pa rin na ilatag sa plenary debate. Gail Mendoza