DOJ bumuo na ng 3-man panel para imbestigahan ang PDEA, BOC officials

DOJ bumuo na ng 3-man panel para imbestigahan ang PDEA, BOC officials

March 5, 2021 @ 5:16 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagtalaga na ang Department of Justice ng panel of prosecutors na hahawak sa reklamo laban sa ilang opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs kaugnay sa isang bilyong pisong shabu na naipuslit sa bansa noong 2019.

Sinabi ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na kabilang sa binuong panel ay sina Senior Assistant Rassendell Rex Gingoyon, Assistant State Prosecutor Mary Jane Sytat, at Asst State Prosecutor Ethel Rhea Suril.

Aatasan ng DOJ ang bawat partido na magsumite ng kani-kanilang pleading para hindi na magsagawa ng face-to-face preliminary investigation.

Una nang isinampa ng National Bureau of Investigation ang mga kasong illegal drugs, graft, grave misconduct, serious dishonesty, paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Employees, Customs Modernization and Tariff Act at  conduct prejudicial to the best interest of service laban kina PDEA Director General Wilkins Villanueva, dating PDEA chief Aaron Aquino, BOC Commissioner Rey Guerrero, BOC Deputy Commissioner Raniel Ramiro at PDEA directors Joel Plaza, Aldrin Albarino, Jigger Montallana at iba pang ahente.

Nag-ugat ang reklamo sa pagpupuslot ng 171 kilos ng shabu na nadiskubreng nakatago sa tapioca starch shipment. Teresa Tavares


  •  
  •  
  •