DOJ chief: Mga pangalan na ‘di dapat kasama sa drug list, kakalusin

DOJ chief: Mga pangalan na ‘di dapat kasama sa drug list, kakalusin

July 21, 2022 @ 7:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes na aalisin ang mga indibidwal na maling napasama sa listahan ng drug personalities at bibigyan ng hustisya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 

Nakipagkita si Remulla kay Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. tupang bumuo ng kolaborasyon sa pagitan ng dalawang departamento.

Sa isang press briefing, sinabi ni Remulla na kasalukuyan nilang binubusisi ang database ng pamahalaan sa kampanya kontra droga. 

“We are busy collating data and the results of the investigations being conducted about the drug war,” aniya.  

“We look at this as part of the intelligence information within the system. If it was properly validated before, then well and good, at least na validate na. Pero meron kasi dyan na were found to be innocent, kaya walang link. Yun dapat I clear, mahalaga ma clear mga taong inosente. Di ba yun naman pinaka problema natin,” patuloy niya.

Inilahad din ni Remulla na nilapitan din siya ng mga indibidwal na nadamay sa travel lookout bulletin ng Bureau of Immigration dahil napasama ang kanilang pangalan sa drug lists sa kabila ng sertipikasyon.

“Syempre dapat bigyan din hustisya ang mga tao na maligned ang kanilang pangalan, so clear namin ang mga tao na pwede i-clear,” giit ni Remulla. 

Magugunitang inihayag ni Pangulong Marcos ang plano na ipagpatuloy ang laban ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga, at tutukan ang drug lords sa halip na “small players”, at mag-pokus sa rehabilitasyon upang gamutin ang drug addicts sa lokal na lebel. RNT/SA