DOJ dinepensahan ng Ombudsman sa pangmamaliit ng iba sa giyera sa korapsyon

DOJ dinepensahan ng Ombudsman sa pangmamaliit ng iba sa giyera sa korapsyon

October 30, 2020 @ 7:06 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Mismong si Ombudsman Samuel Martires ang nagtanggol sa kakayahan ng Department of Justice na lumaban sa malawakang korapsyon sa harap ng batikos o pagdududa ng iba na ito’y inutil.

Sinabi ni Martirez na hindi pupwedeng maliitin o balewalain ang DOJ lalo’t pinamumunuan ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra na lubos umanong nirerespeto ng iba.

Nauna rito, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DOJ na bumuo ng Mega Task Force na kakalkal sa matinding korapsyon sa iba’t ibang departamento at ahensya ng pamahalaan.

At agad na tinukoy ng nasabing task force ang uunahin nitong imbestigahan gaya ng PhilHealth, Department of Public Works and Highways, Land Registration Authority, Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs.

Bilang reaksyon naman, sinabi ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na walang maaasahan sa DOJ at kay Guevarra.

Ginawa nitong ehemplo ng pagiging inutil ng MTF at maging si Guevarra sa umano’y pagkupkop umano mismo ng Pangulo kay Health Sec. Francisco Duque at DPWH Sec. Mark Villar na namumuno sa mga ahensyang target mismo ng MTF na imbestigahan.

Sinabi naman ni Martirez na marami nang pruweba upang bigyang ng pagkilala at pagtitiwala sa DOJ at kabilang sa mga nagawa na nito ang laban sa P10 bilyong pork barrel fund na kinasangkutan ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan at ikinakulong ng mga ito.

Ang DOJ rin ang kumilos upang masibak sa pwesto o mag-resign ang pinakamatataas na opisyal ng PhilHealtn.

At binigyang-diin na rin ni Martires na lalong mas malakas ang pwersa ng MTF dahil sa pagsama rito ng Office of the Ombudsman at iba pang ahensyang panlaban sa korapsyon.

Sinabi ni Martires na napakarami nang  pagkakataon nagsama ng DOJ at OMB laban sa korapsyon at naging matagumpay ang mga ito. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...