DOJ kay Tulfo, paghabol sa mga pabayang ama ‘di trabaho ng DSWD

DOJ kay Tulfo, paghabol sa mga pabayang ama ‘di trabaho ng DSWD

November 25, 2022 @ 7:17 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nagpaabiso ang Department of Justice kay Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo na hindi bahagi ng mandato ng ahensya ang naunang panukala nito na sulatan ang mga ama na hindi nagbibigay ng pinansyal na suporta sa kanilang mga anak.

Sa isang legal opinion na pinirmahan ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na may petsang Oktubre 25, 2022, sinabi ng DOJ na ang plano ni Tulfo ay “outside the DSWD’s stated mandate, powers and functions” sa ilalim ng Administrative Code of 1987 (Executive Order No. 292) at ng DSWD Citizen’s Charter 2022.

Sa ilalim ng plano sana ni Tulfo, susulatan ng DSWD ang mga ama ng mga batang hindi magbibigay ng suporta sa kanilang mga anak.

Dagdag din dito ang pagpapaalala na kung hindi magbibigay ng financial support o magpapabaya ang mga ito ay siguradong haharap ng kaukulang civil at criminal consequence.

Dahil dito ayon kay Remulla, ang mga katagang ginamit umano ng DSWD ay hindi katanggap-tanggap o ‘problematic.’

“The phrase ‘there are civil and criminal consequences under the law if financial support is not properly given’ in the proposed letter, can be likened to a demand letter to the recipient and make it appear that the DSWD is lawyering on behalf of the minor child/children,” paliwanag niya.

Bagama’t maganda naman umano ang hangarin ng DSWD patungkol dito, hindi na trabaho ng ahensya ang maghabol sa mga pabayang ama upang suportahan ang kanilang mga anak.

“Undoubtedly, the intention is noble; however, the act of doing so may be beyond the DSWD’s afore-quoted mandate for it may already constitute providing legal service to the minor child/children, which function legally belongs in to some other agencies of the government, like the Public Attorney’s Office (PAO),” ani Remulla.

“Moreover, only the courts can legally compel those fathers to give financial support to their child/children pursuant to a case filed for that purpose,” dagdag niya.

Sa halip, inabisuhan na lamang ni Remulla ang DSWD na tulungan ang mga menor-de-edad sa pamamagitan ng pagpapapunta sa kanila sa Public Attorney’s Office, o iba pang ahensya ng pamahalaan, organisasyon at institusyon na makapagbibigay ng legal na tulong.

“Lastly, should the DSWD eventually consider writing a letter to the fathers of the minors, who are allegedly not receiving support, we strongly advise that the text of the letter that the text of the letter should only be factual in nature without biases, and caution against using language that creates the impression to the recipient that the DSWD is lawyering on behalf of the minors.” RNT/JGC