DOJ kinastigo ni Hontiveros sa pagbabalik-trabaho ng pastillas scam syndicate

DOJ kinastigo ni Hontiveros sa pagbabalik-trabaho ng pastillas scam syndicate

July 28, 2021 @ 5:42 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Matinding kinastigo ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Justice (DOJ) sa panukala nitong ibalik sa trabaho ang lahat ng miyembro ng pastillas scam syndicate matapos mapaso ang anim na buwang suspensiyon.

Sa  pahayag, sinabi ni Hontiveros, nanguna sa pag-iimbestiga ng sindikato, na hindi pa natatapos ang pastillas  scam kaya’t hindi sila  dapat maibalik sa  trabaho.

“The pastillas scam is not over. Hindi pwedeng nakabalik lang sa trabaho nang walang kahirap-hirap ang mga BI officials na di umanong sangkot sa pastillas scam habang wala pang hatol kung sino ang dapat maparusahan,” ayon kay Hontiveros.

Sinabi ni Hontiveros na hindi nag-hearing sa Senado nang higit isang taon upang mauwi sa wala ang imbestigasyon at masayang ang sakripisyo ng mga witnesses at whistleblowers na naglakas loob na magsiwalat ng katotohanan.

“I urge the DOJ to indefinitely suspend the officers who are alleged to be part of this crime. A 6-month suspension is not enough. Paano na ang mga babae at batang nabiktima at patuloy na nabibiktima ng trafficking dahil sa mga korap sa BI?,” ayon kay Hontiveros.

“Hindi katapat ng 6-month suspension ang pang-aabuso sa ating kababaihan at ang panghabangbuhay na trauma na kailangan nilang harapin. The lives and dignity of our women and children are worth more than that,” dagdag niya. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •